About Me |
Name: dyeni
Home: Paranaque, Metro Manila, Philippines
About Me: the contents of this blog pretty much sums up who i am...blog on folks!
See my complete profile
|
Previous Post |
|
Archives |
|
My Blogs of Note, in Other Words My Friends' Blogs |
|
Sites I Visit Religiously |
|
The Holy Grail of Blogheads |
|
Other Crap You Could Check Out |
|
Got Something to Say? |
|
Survivors |
|
Current Peeping-Toms |
|
Powered by |
|
|
Ang Dakilang TATAY |
Monday, July 18, 2005 |
Scenario 1: Anak na nagMRT dahil sobrang traffic galing Ortigas patungong Makati dahil sa isang gunggong na nagexpose ng isa sa mga kalokohan ni GMA, tapos dahil sa takot, biglang naisip magtago sa San Carlos Seminary sa Guadalupe.
text galing sa Tatay: NASAAN KA NA (naka-all caps siya kasi ang cellphone niya ay isang sinaunang panahon na Ericsson, take note, Ericsson pa lang, di pa Sony Ericsson)
anak sinagot ang text Tatay: Sandali lang dahil siksikan ang tao sa MRT? Antayin ko na lang yung sunod na tren.
ang sagot naman ng Tatay sa text ng anak: ANG BAGAL MO SANA HINILA MO NA LANG YUNG TREN
anak (sa isip):
Hmmmmmmm..... Scenario 2: Anak naglalakad sa gilid ng Makati Med papuntang Mercury Drug sa People Support Bldg, kasunod ang Tatay sa likuran nang biglang may humarang na isang mamang nanlilimos na biglang idinisplay yung paa niyang puro sunog na balat para maawa yung mga taong makakita sa kanya at bigyan siya ng pera. Ang tatay na mabait, biglang tinulak yung anak malapit sa paanan ng mamang nanlilimos. Ang anak ay halos madapadapa sa takot.
ang sinabi ng tatay sa anak nung tinignan ng masama nung anak yung tatay:
Sa sunod, pakiskis mo yung peklat ng mama sa mukha mo! anak (sa isip):
Hmmmmmmm..... Scenario 3: Anak (kakatapos lang mangharrass at manggago ng mga ahente sa isang Shopmore Application Booth bilang ganti sa lahat ng hirap ng naidulot ng mga kabobohan nilang sales talk) nagpapabili ng lipstick sa Tatay sa SM Department store.
anak (naglalambing sa tatay):
Da, bilhan mo naman ako ng listik (lipstick) o. tatay (tinignan ng masama yung anak – medyo may topak na dahil sa tagal ng asawang nag-gogrocery sa Hypermart, bulak lang naman yung bibilhin, isang oras na nagiiikot sa loob ng grocery):
Ano?! Gusto mo listikin ko yung ilong mo?! anak (sa isip):
Hmmmmmmm..... Napagisip-isip ko, napakaswerte ko namang tao. Ang bait na nga ng aking kaibigan na si Mits (refer to one of my previous posts), ang bait pa ng aking Tatay. San ka pa?! Hmmmmmmm..... |
posted by dyeni @ 10:27 PM |
|
1 Comments: |
-
Hehehe... I think napag-usapan na ito. May mga magulang talagang ganyan. Ang palagay ko, siguro nung mga bata pa sila ay spoiled-- ganyan ang nanay ko eh. Wahahaha!
|
|
<< Home |
|
|
|
|
Must-See TV |
|
I Command You To Check These Out! |
|
Songs for the Moment |
|
|
Hehehe... I think napag-usapan na ito. May mga magulang talagang ganyan. Ang palagay ko, siguro nung mga bata pa sila ay spoiled-- ganyan ang nanay ko eh. Wahahaha!