sane psycho

a blog about the insane babblings of a frustrated shrink turned lunatic

 
About Me
Name: dyeni
Home: Paranaque, Metro Manila, Philippines
About Me: the contents of this blog pretty much sums up who i am...blog on folks!
See my complete profile
Previous Post
Archives
My Blogs of Note, in Other Words My Friends' Blogs
Sites I Visit Religiously
The Holy Grail of Blogheads
Other Crap You Could Check Out
Got Something to Say?
Survivors
Current Peeping-Toms
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

updates and random rants and raves (from somewhere inside my stunted brain)
Monday, June 06, 2005
yes...it is me! i am alive! (jen & mako - finally figured out my username and password after 1 hour of cursing)

well, physically alive anyway. brain is definitely dead. maturity level is close to non-existent. soul is slowly dying. but its all good! made about 10K worth of purchases and that had somehow rekindled what little happiness and satisfaction you can possibly get from a bank job. on the downside...goodbye midyear bonus!

anyway, just came from a 4 day break and it is not enough!
i don't think a 1 one month break would be enough for me or anyone else from cards for that matter.
i'm just so friggin tired!

updates?

hmmmm...let me see...
> lost a few pounds (as in yung halata ng mga tao. hindi yung ako lang ang nakakaalam)

> still in the 6-3 workshift (may mumu pa rin, di na lang namin pinapansin. di naman pwede yung araw araw mamamatay ako sa sindak noh!)

> went swimming a couple of times...
actually one time lang pala ako nagswim, yung first outing namin sa puerto azul ayokong lumangoy kasi kala ko dapat naka bathing suit ka lang at bawal ang shorts at shirt. hello! ang tapang ko namang maklalalakad dun na nakaladlad ang lahat ng taba ko sa katawan noh! as if! may dignidad naman ako kahit konti! so, for fun, naligo na lang ako sa shower area at bago nun pala naglaro ako ng mga dikya sa beach at pinanuod ang isang matabang matabang babae na naglalalakad na naka two-piece. (Lord! Give me strength! Sana ako na lang ang nagtwo-piece!)
went to a couple of family outings. siyempre di naman mawawala yun diba.
another time naman, a couple of officemates and i went to this god-forsaken resort from hell. ayun! dun ako nagswimming! kabobohan!

===========================
ok! story time!
let me get into the details of the horrors of this place...

1. upon arrival to the gates of hell (aka THE RESORT) - napansin namin lahat na ang surrounding areas niya ay...mga katayan! yes! iba't ibang klaseng katayan! baboy, manok, baka...baka tao na rin. kay ganda ng paligid!

2. the stench of what was supposed to be a fun-filled outing - syempre, kung san may malapit na katayan may "mabangong" umaalingasaw na amoy na nakalipana sa kapaligiran ng resort. imagine, we all chose to stay inside the small, cramped, hot, airconless fx for practically an hour then to suffer the horrible smell!

3. confiscation of liquor - tangna! san ka ba naman nakakita ng ganun! ano toh?! retreat! college retreat nga namin may mga nakalusot pa na joots eh!

4. valenzuela zoo - hindi namin alam na ang pinuntahan pala naming resort ay isang zoo. correct! zoo. at ang sumalubong sa amin (aside from yung mga patay na hayop sa neighboring katayan's ha) ay sari saring mga askal, pusa, palaka, may tumunog na parang ahas (syempre nagtakbuhan na kami noh! ano kami? csi?!) ay! isama na natin sa zoo collection yung malditang caretaker na nagkumpiska ng beer namin

5. when animals attack part 1- hindi na nakuntento ang mga hayop sa pagsalubing sa amin. kelangan pa talaga nilang kami bigyan ng mild stroke. when we all half-settled sa cottage (?!!) na nirentahan namin. four of us (me, migs, tapos sumunod pala sa amin si mitch at si pupuy - yung kapatid ni sasing, ang isa pa naming officemate) decided to explore the environment (at 10pm na nakapatay na ang lahat ng ilaw at halos wala kang makita. grabe, mga henyo talaga kami!). we reached one of the 4 pools, nakalock yung gate ng pool pero since mga henyo nga kami, pinilit namin siyang pasukin. nauna kami ni migs pumasok sa pool area (kasi ang bagal maglakad ni mitch at ni pupuy). while migs and i surveyed the pool area we heard tiny shrieks of terror from behind. paglingon namin, nakita namin si mitch at si pupuy na halos di makakilos sa takot dahil bigla silang sinugod ng 4 na bardagul na askal na sumulubong sa min pagdating namin. biglang pumasok si mitch at si pupuy sa pool area kasama namin ni migs at isinara ang gate. ayun! nakulong kaming apat na parang timang sa loob ng pool area habang kinakahulan kami ng apat na bardagul na askal.

6. when animals attack part 2:spongebob squarepants? gary the snail? istatchu? - i thought that we were stuck at some weird alternative spongebob cartoon universe. why, you might ask? upon entrance to our overnight cottage dun sa "bedroom area" my eyes settled on two old, moldy and dust-infested sponges (isipin niyo si spongebob na nangingitata) and horror of horrors yun pala ang aming magiging kama (take note...sampo kami) as for "gary," sobrang init talaga nung gabing yun so some of us decided to take a bath. pagkalabas ko ng shower area (na walang shower at walang tabo. yaaaaay!) may isang nakabanderang dambuhalang "gary" (aka snail) sa labas ng pintuan. siyempre dahil maarte ako, nandiri ako at nagtititiling tumakbo palayo sa higanteng "gary". migs decided to befriend it and play with it. la kasi siyang ibang pwedeng recreational activity dahil na-confiscate yung beer.

7. macgyver- dahil sa boredom at pagkatigang na rin sa beer, migs and i (well i accompanied him for lack of anything else to do) went to the locked room kung saan tinago ang mga beer and tried anything and everything to remove the lock from the door. as in! itak, kutsarang baluktot na napulot namin sa isang gilid, coins, susi, safety pin na malaki, safety pin na maliit (si migs halos itapon na ang sariling katawan sa pintuan - ayaw talaga bumukas). in the end, despite all the efforts... tigang pa rin...

8. swimming pool na bawal magswimming - no night swimming! kala mo naman sobrang kagandahan yung pool nila! eh nung sinilip naman namin yung pool nung gabi may nakalutang dun na palaka, patay pa ata! tsaka san ka ba naman nakakita ng resort w/ 4 pools tapos bago ka makaswimming you have to pick just 1 specific pool, magpapatatak ka (yung tatak na parang star na sinastamp sa tin nung teacher natin nung pre-school tayo pag may maganda tayong ginawa ha) tapos depende sa number na itatatak sa yo (kunwari # 1) dun ka lang pwede sa pool number 1. eh pag nabasa naman yung stamp la pang 1 second natatanggal na siya!

Haaaay... thus the end of what can only be described as "the outing from hell." Buti na lang all the peeps i was with medyo lokoloko kaya we all found the whole experience pretty funny. tsaka in fairness and sarap ng pagkain ha! (Hail Susan! Reyna ng masasarap na pagkain!)And then, we all lived miserably ever after. Back to the call center ulit kasi eh...
===========================
updates continuation...
> awa ng diyos non existent love life pa rin

> no promotion or change in job position of any kind

> more calls therefore more irate callers

(sigh!) oh what a wonderful life...

Til next post... siguro mga 2 years from now naman. abangan niyo na lang. baboo!
posted by dyeni @ 8:03 PM  
1 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Must-See TV
I Command You To Check These Out!
Songs for the Moment

© 2006 sane psycho .Template by Isnaini Dot Com