sane psycho

a blog about the insane babblings of a frustrated shrink turned lunatic

 
About Me
Name: dyeni
Home: Paranaque, Metro Manila, Philippines
About Me: the contents of this blog pretty much sums up who i am...blog on folks!
See my complete profile
Previous Post
Archives
My Blogs of Note, in Other Words My Friends' Blogs
Sites I Visit Religiously
The Holy Grail of Blogheads
Other Crap You Could Check Out
Got Something to Say?
Survivors
Current Peeping-Toms
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER

"Sa may bahay, ang aming bati..."
Tuesday, December 27, 2005
Nagdesisyon akong magsulat ng poste(?! - hehe. masyado bang literal?) sa Tagalog.
Wala lang...Trip lang.
Pasensiya na sa mga dayuhan na naligaw sa blag (hehe) ko kasi malamang sa hindi, wala kayong maiintindihan sa mga pinagsusulat ko dito.

Panahon pa rin ng pasko sa Pinas hanggang ngayon. Masaya kung bata ka, pero perwisyo pag matanda ka na. Pansinin niyo ang pagbabago ng reaksyon natin tungkol sa pasko sa pagtakbo ng panahon, habang tayo ay patanda ng patanda...

1. Pagdating sa regaluhan...
Nung bata tayo...
Ang daming regalo! Laruan, damit, tsokolate at kung anu-anong anik-anik. Ang dami nating wrapper na winawasak! Tsaka ang dami nating mga natatanggap na aginaldo! Ang saya!

Ngayong matanda na tayo...
Haaaay! Tayo na ang tagabigay na madaming regalo. Ang daming gastusin! Lahat ng kakilala mo sa mundo dapat mong regaluhan at kung hindi mo naregaluhan, kahit magpakaplastic sila at sabihin nila sa yo na "It's the thought that counts," ang malamang na nasa isipan ng mga yun ay..."Aanhin ko yung "thought"?! Makakain mo ba yun?! Mahahawakan mo ba yun at makikita?! Kuripot!"

2. Pagdating sa Christmas Lights...
Nung bata tayo...
Wow! Ang ganda ng mga ilaw! Iba't ibang klaseng kulay at hinuhugis pa sa iba't ibang "icon" ng pasko! Kaka-aliw! Kumukutikutitap! Parang mga bituin sa langit!

Ngayong matanda na tayo...
Ang mahal ng kuryente! Inuutakan na naman tayo ni Lopez! Anu na naman itong panibagong eklat na sisisingil sa atin?! A bwisit! Patayin lahat ng ilaw sa bahay! Wala ng gagamit ng ilaw kahit kelan!

3. Pagdating sa pagkain...
Nung bata tayo...
Hala! Sige! Kain lang ng kain! Pag naglaro naman tayo matutunaw din naman natin yung mg nakain natin eh.

Ngayong matanda na tayo...
Hala! Sige! Kain lang ng kain! Sa isang linggo lang ng paglamon mo ng kung anu-ano pwede ka ng kuning Santa Claus para sa mga program. Kahit magdiet ka ng isang taon, hindi pa rin matatanggal yung timbang na nadagdag sayo sa isang linggo mong katakawan, lalo pa ngang madadagdagan yung timbang mo sa kung anong dahilan na hindi ma-eksplika.

4. Pagdating sa "Caroling"...
Nung bata tayo...
Pagrinig pa lang ng mga "carolers" na kumakanta sa labas ng bahay, halos magkandarapa kaming magpipinsan na magtakbuhan sa gate para mapakinggan ang mga ito at para panuorin ang mga magulang namin na magrequest ng kung anu-anong kanta. Mga sadista ang magulang namin, pinapahirapan muna yung mga "carolers" na kumanta bago bigyan ng pera. Bibigyan nila ng kapiranggot na barya yung mga "carolers" na pinakanta nila na halos isang oras tapos magagalit sila pag kinantahan ng "Tenkyu! Tenkyu! Ang babarat ninyo tenkyu!"

Ngayong matanda na tayo...
Isara lahat ng ilaw sa bahay para kala nung mga "carolers" walang tao! Dalian!

Haaaay...buhay.

Pansinin niyo rin ngayon, yung mga batang kalye na kadalasan naglilimos lang na walang gimik, pag panahon ng pasko bigla na lang babalandra sa tapat ng bintana ng kotse niyo. Pagkatapos muna kayong magulat at mamatay sa takot dahil pagtapat niyo sa bintana ng kotse biglang may mukhang nakadikit sa salamin ng kotse ninyo na nakatitig sa inyo, bigla kayong papalakpakan kasabay ng pagkanta ng dalawang linya (lang) na paulit-ulit...

"Sa may bahay, ang aming bati..."

Sige, pasko naman eh, bigyan mo na ng limos, pero maaasar ka muna dahil pagkatapos kang patayin sa sindak dahil sa pagbubulaga sa inyo, maririndi kayo sa dalawang linya lang na kinakanta nila! At ang malala pa, mala-last song syndrome pa kayo dun sa dalawang linya na yun!

"Sa may bahay, ang aming bati..."

Kay saya!
posted by dyeni @ 10:18 PM  
2 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Must-See TV
I Command You To Check These Out!
Songs for the Moment

© 2006 sane psycho .Template by Isnaini Dot Com